venerdì 25 maggio 2012

Yung Feeling Na


...yung feeling na ang sweet nyo sa isa't isa, sineryoso mo pero laro lang sa kanya.

...yung feeling na, pinipigilan mong umiyak para mapatunayan mo na 'di sya kawalan... pero hindi mo kaya.

...yung feeling na naniwala ka sa mga pangako niya... pero iiwan ka lang din pala.

...yung feeling na ayaw mong ipaalam sa kanya na nagseselos ka, kaya kunwari kinikilig ka sa kanilang dalawa.

...yung feeling na alam mong mahuhulog ka na, pero pinipigilan mo dahil alam mong wala namang sasalo.

...yung feeling na hindi naman naging kayo, pero nagmu-move on ka na.

...yung feeling na tinutulungan mo siya... para mapalapit sa taong mahal niya.

...yung feeling na nagkukunwari kang okay ka, dahil ayaw mong masaktan siya kapag nalaman niyang siya ang dahilan kung bakit umiiyak ka.

...yung feeling na andyan ka naman para saluhin siya, pero hindi ka niya makita kita.

...yung feeling na kahit GIRLFRIEND na niya ang topic niyong dalawa, masaya ka pa rin basta nakakausap mo siya.

...yung feeling na hindi ka makatingin sa crush mo kasi nakatingin pa siya sa'yo..

...yung feeling na... banat siya ng banat sa'yo.

...yung feeling na akala mo crush mo lang... yun pala mahal mo na.


...yung feeling na kilig na kilig ka na... kahit nag-"hi" lang siya.

...yung feeling na sinasabi ng lahat ng tao na hindi kayo para sa isa’t isa. Pero ginagawa niya ang lahat para patunayan na mali sila.

...yung feeling na ayaw mo nang gumising dahil napapanaginipan mo siya.

...yung feeling na tumitigil ang mundo mo kahit nakasama mo lang siya ng ilang segundo.

...yung feeling na hindi mo ma-erase ang mga texts niya.

...yung feeling na ni-like niya ang FB status mo.

...yung feeling na tinatawag ng crush mo yung pangalan mo.

Nessun commento:

Posta un commento